Public Employment Service Office (PESO)
Municipal Scholarship / Educational Assistance Program 2025 para sa mga Senior High School and College Students Scholarship para sa estudyanteng Pilillanon.
𝐀𝐩𝐩𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐞𝐫𝐢𝐨𝐝: 𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟗–𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓

𝐌𝐠𝐚 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐦𝐞𝐲𝐭, 𝐦𝐚𝐲 𝐠𝐨𝐨𝐝 𝐧𝐞𝐰𝐬! 



Bukas na ang aplikasyon para sa Municipal Scholarship/Educational Assistance Program! Hinihikayat ang mga mag-aaral mula sa Senior High School at College na magpasa ng kumpletong requirements.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Para sa karagdagang impormasyon, tumungo sa Admin Office, 2nd Floor, New Municipal Building at hanapin si 𝐌𝐬. 𝐉𝐚𝐬𝐜𝐚 𝐌𝐚𝐞 𝐂. 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐢𝐚𝐠𝐨.

Mabuhay ang lahing Pilillanon!


MEGA JOB FAIR (Local & Overseas)
Matagumpay na naisagawa ng 𝐏𝐄𝐒𝐎 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐋𝐋𝐀 ang 𝐌𝐄𝐆𝐀 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑 (𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 & 𝐎𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞𝐚𝐬) noong Mayo 31, 2025 sa Pililla Imatong Covered Court!
Sa temang “𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞, 𝐄𝐧𝐫𝐢𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲”, maraming aplikante ang nabigyan ng pag-asa at oportunidad na makahanap ng trabaho sa tulong ng 𝟏𝟐 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐢𝐞𝐬 at 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐚𝐛𝐨𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐃𝐎𝐋𝐄) 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥.
Lubos ang pasasalamat ng PESO-Pililla, sa pamumuno ni Hon. Dan Masinsin at Sangguniang Bayan Members, sa lahat ng lumahok, sumuporta, at naging bahagi ng tagumpay na ito.
Sama-sama nating buuin ang mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Pilillanon.