Panahon na naman ng tag ulan Pilillanon, panahon kung kailan madalas tumaas ang kaso ng Dengue, isang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok, at maaaring makamatay kung hindi maagaran. Upang maiwasan ang sakit na ito ugaliin po nating sundin ang 5S kontra dengue.
1. Search and Destroy – Maglinis, puksain ang mga kiti-kiti at ang mga pinamamahayan nito.
2. Self-protection Measure – Gumamit ng mosquito repellant, kulambo, screen at magsuot ng mahahabang damit.
3. Say no to indiscriminate fogging – Magsagawa lamang ng fogging kung magkaroon ng outbreak.
4. Seek early Consultation – Agarang magpakonsulta kung mayroong maramdaman na sintomas ng dengue katulad ng: lagnat, rashes, sakit ng ula, pagsusuka.
5. Stay Hydrated – ugaliing uminom ng tubig/hydration solution at magswero kung kailangan.