The Municipal Government of Pililla joins the celebration of the 125th Philippine Civil Service Anniversary at Civil Service Month
As this year marks a milestone celebration, the 125th PCSA, with the theme, Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan, spotlights the contributions of the country’s public sector workforce in bringing into fruition, the aspirations of a Bagong Pilipinas through the display of patriotism, excellence, and integrity in the performance of their duties, especially in public service delivery.
Join and promote the 125th PCSA celebration by using the hashtag: #PCSA2025

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Pililla sa pagdiriwang ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary at Civil Service Month sa pangunguna ng ng Civil Service Commission (CSC) ngayong Setyembre 2025, bilang paggunita sa pagkakatatag ng Philippine Civil Service sa bisa ng Public Law Blg. 5 (An Act for the Establishment and Maintenance of an Efficient and Honest Civil Service in the Philippine Islands) noong ika-19 ng Setyembre 1900.
Idineklara naman ng Presidential Proclamation Blg. 1050, serye ng 1997, ang buwan ng Setyembre bilang Civil Service Month. Hinikayat ng Proklamasyon ang mga ahensya, tanggapan, at instrumentalidad ng pamahalaan na ipatupad ang mga programang itinakda ng CSC at aktibong makilahok sa mga inisyatibo nito, gayundin ang pagtitiyak ng aktibong partisipasyon ng mga opisyal at kawani sa mga gawaing itinuring ng Komisyon bilang mahalaga para sa makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang ng Civil Service Month.
Bilang paggunita sa mahalagang yugto ng kasaysayan, ang ika-125 PCSA, na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan,” ay nagbibigay-diin sa mahalagang ambag ng mga lingkod bayan sa pagtupad sa mga mithiin ng Bagong Pilipinas, sa pamamagitan ng pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan, kahusayan, at katapatan sa pagtupad ng kanilang tungkulin, lalo na sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
Mainit na pagbati sa bawat Lingkod Bayani. Mabuhay ang lahing Pilillanon!
#PCSA2025
#BetterPililla #LahingPilillanon
#PilillaPublicInformationOffice